Parokya ng Santiago Apostol, Paete, LagunaSetyembre 10-18, 2008 - Nobenaryo (Simbahan)Setyembre 19, 2008 - Kapistahan4:00 PM - Pagpasiyo ng Banda sa bayan5:00 PM - Pagsundo at paghahatid sa simbahan ng Mahal na Birhen6:00 PM - Banal na Misa sa Karangalan ng Ina ng La Salette7:00 PM - Prusisyon sa Bayan
*** Ang lahat ay inaanyayahan sa Pagdiriwang ng ika-162 taon ng Aparisyon ng Mahal na Ina. Maligayang Kapistahan sa lahat!***
MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETTESETYEMBRE 19, 1846 Alalahanin...
Alalahanin, O Mahal na Birhen ng La Salette, Ina ng Pag-asa. Ikaw ang nagpapaalala sa aming magbalik-loob sa Ama. Ito ang pagpapatunay na ang kagandahang loob mo'y nanatiling busilak, sa pag-aaruga mo sa amin, tungkulin mo'y tinupad. Dahil sa paanan ni Kristo'y itinuring mo kaming mga tunay mong anak, kung kaya ninais mong ni isa'y huwag mapahamak, maging sa iyong walang tigil na pananalangin, pati luha'y pumatak. Huwag namang mawalan ng saysay ang iyong pagpapakahirap. Hiling nawa namin sa iyo o aming Inang liyag na matapos ang pakikibaka namin sa mundong ito at sa pananatili naming tapat kay Kristo, sa kapurihan mo'y makibahagi kaming ganap upang kung nasaan ka ngayo'y naroon din kaming lahat at nang kaganapan ng kaluwalhatian ng Diyos Ama'y tuluyang matupad. Siya nawa... *** Ang Imahen ng Mahal na Ina ng La Salette ay nilikha ni G. Francisco Vecin para sa Pamilya Rivera-Cadawas noong taong 2007. Unang naisama sa prusisyon ng mga Imahen ng Mahal na Ina sa Malibay, Pasay City noong Disyembre 8, 2007. Dinala ang Imahen sa Pambansang Dambana ng La Salette sa Biga, Silang, Cavite noong Marso 26, 2008 at gayundin ay naisama sa Prusisyong Parangal sa Mahal na Ina na ginanap sa bayan ng Malolos, Bulacan noong Mayo 11, 2008. Ang karagdagang mga imahen ng mga batang sina Maximin at Melanie ay sunod na nililok ni G. Vecin para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng La Salette sa Parokya ni Santiago Apostol, Paete, Laguna ngayong 2008. *** "Ako'y walang humpay sa pananalangin...."Mahal na Ina ng La Salette, Ipanalangin Mo po kami.
(Para sa mga nagnanais na makatanggap ng Estampitas na ito, mangyaring ilagay ang inyong sa kahilingan sa "Comment Box" sa pahinang ito,, kasama ang bilang nang nais ninyong matanggap. Maraming salamat po.)